Tagalog Mga Resource sa Wika para sa Pagboto at Halalan / Tagalog Language Voting and Elections Resources
Multnomah County Elections
Mga Dapat Malaman tungkol sa Pagboto at Halalan
Sino ang puwedeng mag-sign up para bumoto sa Oregon?
Puwede kang mag-sign up para bumoto kung nakatira ka sa (residente ka ng) Oregon, kung mamamayan ka ng United States, at ikaw ay 16 taong gulang pataas. Matatanggap mo ang iyong unang balota sa pamamagitan ng koreo kapag ikaw ay 18 taong gulang pataas.
Puwede kang mag-sign up para bumoto kung nahatulan ka ng felony at natapos mo na ang iyong sentensya. Puwede ka ring mag-sign up para bumoto kung nakakaranas ka ng homelessness o kawalan ng seguridad sa pabahay. Puwede kang mag-sign up para bumoto kung wala kang permanenteng mailing address o permanenteng address ng tirahan. Tumawag sa Multnomah County Elections para sa mga tanong tungkol sa iyong pagiging kwalipikado para mag-sign up para bumoto.
Paano ako magsa-sign up para bumoto?
- Mag-sign up para bumoto online sa website ng Kalihim ng Estado ng Oregon sa oregonvotes.gov/register. Dapat ay mayroon kang lisensya sa pagmamaneho o card ng pagkakailanlan sa Oregon para mag-sign up online.
- Mag-sign up para bumoto sa pamamagitan ng pagsasagot sa nasa papel na Card ng Rehistro ng Botante sa Oregon (Oregon Voter Registration Card). Puwede kang makakuha ng paper card sa opisina ng Halalan sa County ng Multnomah (Multnomah County Elections), sa iyong pampublikong aklatan, sa opisina ng Departamento ng Mga Sasakyan (Department of Motor Vehicles, DMV) ng Oregon, o sa post office.
- Kung bibisita ka sa DMV ng Oregon at kukuha ka ng bago o kapalit na lisensya sa pagmamaneho, permit sa pagmamaneho, o card ng pagkakakilanlan, puwede ka nang ma-sign up sa pagboto nang walang ginagawang higit pa (paraang Awtomatikong Pagrehistro sa Botanteng May Sasakyan sa Oregon o Oregon Motor Voter Automatic Registration method). Puwede kang awtomatikong ma-sign up para bumoto pero hindi ito mangyayari kaagad.
Tumawag sa Multnomah County Elections para sa mga tanong o tulong sa pag-sign up para bumoto.
Paano gumagana ang pagboto sa pamamagitan ng koreo?
Isinasagawa ang lahat ng halalan sa Oregon sa pamamahala ng opisina ng halalan ng county. Direktang ipinapadala ng opisina ng halalan ng county ang mga balota sa mga botante. Sasagutan ng mga botante ang kanilang mga balota, at ibabalik ang mga ito sa opisina ng halalan ng county sa pamamagitan ng koreo o sa isang Opisyal na Drop Site ng Balota. Puwede kang bumoto sa pamamagitan ng koreo sa Oregon sa anim na simpleng hakbang:
- Mag-sign up para bumoto online, sa papel, o sa pamamagitan ng awtomatikong paraan ng pagpaparehistro. Makakatanggap ka ng Card ng Abiso sa Botante (Voter Notification Card) sa pamamagitan ng koreo. Kinukumpirma ng card na naka-sign up ka na para bumoto. Puwede ka ring tumawag o bumisita sa Multnomah County Elections para malaman ito.
- Apat na linggo bago ang isang halalan, makakatanggap ka ng Pamphlet ng Botante sa pamamagitan ng koreo. Ang Pamphlet ng Botante ay isang maliit na aklat na ginawa ng Kalihim ng Estado ng Oregon at Multnomah County Elections. Ang Pamphlet ng Botante ay may impormasyon tungkol sa mga kandidato at mga iminumungkahing pagbabago sa mga batas. Ang mga kandidato o batas na ito ay puwedeng lokal (lungsod, county, at distrito), sa antas ng estado, o sa antas na nasyonal (bansa). Ang Pamphlet ng Botante ay online sa oregonvotes.gov.
- Dalawang linggo bago ang halalan, makakatanggap ka ng balota sa pamamagitan ng koreo. Kung hindi mo matatanggap ang iyong balota, tumawag sa Multnomah County Elections para makakuha ng bagong balota.
- Bumoto sa pamamagitan ng pagsagot ng iyong balota. Puwede kang humiling ng tulong sa pagmamarka ng iyong balota o sa pag-unawa kung paano gumagana ang pagboto. Kapag nakapagpasya ka na kung paano ka boboto, gumamit ng asul o itim na bolpen para markahan ang mga pinili mo. Puwede mo ring gawing blangko ang ilang item. Puwede kang magsulat ng kandidato para sa anumang posisyon. Kung magkakamali ka o mawawala ang iyong balota, tumawag sa Multnomah County Elections para sa bagong balota.
- Ilagay ang iyong balota sa bayad nang selyadong sobre sa pagbabalik ng balota. Dapat mong lagdaan ang sobre sa pagbabalik ng balota para mabilang ang iyong balota. Kung hindi mo nalagdaan ang iyong sobre sa pagbabalik ng balota dahil sa isang kapansanan, tumawag sa Multnomah County Elections para sa tulong.
- Ibalik ang iyong balota. Puwede mong ipadala ang iyong balota gamit ang bayad nang selyadong sobre sa pagbabalik ng balota (walang kailangang stamp) o puwede mong hulog ang balota mo sa isang Opisyal na Drop Site ng Balota. May mga 24 na oras na Opisyal na Drop Site ng Balota sa buong county, kasama na ang mga nasa bawat lokasyon ng Multnomah County Library. Puwede mong ibalik ang iyong balota sa pamamagita ng koreo o sa isang Opisyal na Drop Site ng Balota. Kung ibabalik mo ang iyong balota sa pamamagitan ng koreo, dapat ay mayroon itong selyo sa araw ng o sa araw bago ang Araw ng Halalan. Ang mga ibinalik na balota sa isang Opisyal na Drop Site ng Balota ay dapat maibalik bago ang 8:00 pm sa Araw ng Halalan.
Puwede ba akong makatanggap ng tulong sa pagboto sa aking gustong wika?
Oo. Nagbibigay ang Multnomah County Elections ng libreng interpreter, sa sinumang nangangailangan ng tulong para sa anumang hakbang hakbang ng pagboto, kasama ang:
- Pag-sign up para bumoto
- Pagmarka o pagbasa ng balota
- Pag-update ng iyong address, pangalan, pulitikal na partido, o iba pang impormasyon ng botante
- Pag-unawa sa mga panuntunan at hakbang sa pagboto
- Anumang iba pang tulong na nauugnay sa halalan.
Libre ang tulong na ito sa lahat ng pagkakataon. Para sa tulong, tumawag, mag-email, o bumisita sa opisina sa halalan. Available ang pagsasalin-wika sa telepono sa anumang wika at may mga bilingual (Spanish) na manggagawa sa halalan. Puwede ka ring tumawag sa Kalihim ng Estado ng Oregon, Dibisyon ng Halalan para humiling ng tagasalin.
Puwede ba akong makatanggap ng tulong sa pagboto kung mayroon akong kapansanan?
Oo. Nagbibigay ang Multnomah County Elections ng tulong na nauugnay sa pagboto at halalan para sa mga botanteng may kapansanan. Puwede kang tulungan ng Multnomah County Elections sa iyong bahay o sa opisina sa halalan. Libre ang tulong na ito sa lahat ng pagkakataon. Tumawag, mag-email, o bumisita sa Multnomah County Elections para sa tulong sa anumang hakbang sa pagboto, kasama ang:
- Pag-sign up para bumoto
- Pagmarka o pagbasa ng balota
- Pag-update ng iyong address, pangalan, pulitikal na partido, o iba pang impormasyon ng botante
- Pag-unawa sa mga panuntunan at hakbang sa pagboto
- Anumang iba pang tulong na nauugnay sa halalan.
Gusto ng Multnomah County Elections na magawa mong bumoto sa paraang madali, pribado, at magagawa mo nang mag-isa, maunawaan ang mga hakbang sa pagboto, maunawaan ang mga panuntunan, at malaman kung kanino ka hihingi ng tulong. Magkakaiba ang sitwasyon ng bawat botante. Makipag-ugnayan sa Multnomah County Elections para sa tulong.
Address ng Multnomah County Elections:
1040 SE Morrison Street, Portland OR 97214
Telepono: 503-988-8683 Email: elections@multco.us
Website: MultnomahVotes.gov
Sino ang tatanungin ko kung may mga tanong pa ako?
Makipag-ugnayan sa Multnomah County Elections:
Mga Oras: Lunes - Biyernes 8:00 AM - 5:00 PM. Tumawag tungkol sa mga karagdagang bukas na oras kapag malapit na ang halalan.
Address: 1040 SE Morrison Street, Portland, OR 97214
Telepono: 503-988-8683 | Fax: 503-988-3719 | TTY Relay: 1-800-735-2900
Email: elections@multco.us
Makipag-ugnayan sa Oregon Secretary of State, Elections Division:
Telepono: 1-866-673-8683 | Fax: 503-373-7414 | TTY Relay: 1-800-735-2900
Email: elections.sos@state.or.us